Kabihasnang Mesopotamia
Mesopotamia — mula sa salitang Griyego na meso na nangangahulugang “gitna” at potamos na nangangahulugang “lupain” – lupain sa pagitan ng dalawang ilog.
– tinaguriang “cradle of civilization” dahil sa agrikultura at pag-aalaga ng mga hayop na umunlad higit sa anumang kabihasnan sa daigdig
– ang IRAQ sa kasalukuyan
Ang Fertile Crescent ang
kinikilalang pinagsimulan ng sibilisasyon. Ang kasaysayan ng
Mesopotamia ay kakikitaan ng pamamayani at pagbagsak ng iba’t ibang
katutubong kaharian at imperyo.
Mga Sinaunang Kaharian sa Mesopotamia
Pangkat ng Tao na Nanirahan |
Mga Ambag |
Sumerian
|
|
Akkadian
|
|
Babylonian
|
|
Hittite
|
|
Assyrian
|
|
Chaldean
|
|
Persian
|
|
Phoenician
|
|
Hebreo
|
|
Sa Mesopotamia matatagpuan ang
pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig. Sa paglipas ng Sumer, tatlong
imperyo ang lumitaw rito: Akkadia, Babylonia at Assyria. Nagtatag ng
isang imperyo ang mga Persian na sumakop sa Kanlurang Asya at iba pang
karatig -lugar. Napasama sa daloy ng kasaysayan ng mga kanluraning bansa
ang rehiyon ng Kanlurang Asya nang mapasakamay ito ng mga Macedonian
Greek at Roman.
ANG KABIHASNANG EGYPT
Ang
Egypt ay tinawag bilang “Pamana ng Nile” dahil sa ilog na ito, ang
buong lupain ay nagging disyerto. Nagsilbing mahusay na ruta sa
paglalakay ang ilog na ito.
ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN: Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt. Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul. Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea
URI NG TAO SA LIPUNAN
Pharoah- Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)
Nomarchs-pinuno ng pamayanan
Vizier- pangunahing opisyal (mata ng hari)
ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN: Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt. Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul. Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea
URI NG TAO SA LIPUNAN
Pharoah- Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)
Nomarchs-pinuno ng pamayanan
Vizier- pangunahing opisyal (mata ng hari)
PANAHON NEOLITIKO
ASWAN DAM
Ay naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at masisisayos ang suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw nito ay nagsilbing daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ito ang nagsilbing susi sa pag-unlad ng Kabihasnang Egypt.
Ay naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at masisisayos ang suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw nito ay nagsilbing daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ito ang nagsilbing susi sa pag-unlad ng Kabihasnang Egypt.
SINAUNANG KASAYSAYAN
LUMANG KAHARIAN (Panahon ng Pyraminds):
Zoser/Haring Djoser
- Unang nagpatayo ng “piramide” and “Step Pyramind” na may 6 na patong patong na mastaba.
- Sa tulong ng arkitekotong si Imhotep, nadesenyohan ang pirmaide
- Ito ang isa sa pinakamatandang piramide sa kasaysayan ng Old Kingdom
GREAT PYRAMIND OF GIZA
- Sa panahon ni Khufu/Cheops itinayo ang Great Pyramind of Giza
- Kabilang ito sa 7 Wonders of the Ancient World.
- Binubuo ito sa loob ng 20,000 taon kasama ng 50,000 tao
- May sukat na 70m2, taas na 147 ft. at lawak na may kabuuan 5.3 hectares
GITNANG KAHARIAN (Pinamunuan ng 14 na Pharoah):
AMENEMHET II
- Ang kinilala bilang pinakamahusay na pinuno ng gitnang kaharian.
- Nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt
- Nilimitahan niya ang kapangyarihan ng mga nobles, muli niyang inorganisa ang pamahalaan at pinanatili ang kasaganaan ng kaniyang nasasakupan.
- THEBES ang kabisera ng Egypt
- Sa kaniyang panahon nasakop ang Nubia (rehiyon sa katimugang Egypt)
- Maging ang Syria ay napasailalim ng kaniyang kapangyarihan
- Pag-unlad sa kalakalan
HYKSOS
- Napabagsak ang kaharian
- Mga Semitic mula sa Asya
- Mga prinsipe mula sa dayuhang lupain
- Sinakop ang Egypt sa loob ng 100 taon noong 17th century
- Nagpakilala sa paggamit ng Chariot sa mga Egyptian.
- Hyksos (Egyptian, “foreign rulers”)
BAGONG KAHARIAN (Empire Age) Ang pinakadakilang Panahon
AHMOSE
- Nagbigay sa mga dayuhang Hyksos
- Nagtatag ng bagong kaharian
- Isang Theban Prince
- Sa panahon niya ginawang unified nation ang Egypt
THUTMOSE II
- Idinagdag niya sa Imperyong Palestine
- Anak ni Thutmose I, half brother ni Reyna Hatshepsut
REYNA HATSHEPSUT
- Anak ni Thutmose I
- Pinakasalan ang kaniyang half brother na si Thutmose II at kaniyang kaagapay sa pamamahala hanggang siya’y namantay.
- Angkaniyang successor na si Thutmose III na ank niya sa iba ay namuno noong 1458 sa pamamagitan ng paghirang sa kaniyag sarili.
- Kauna-unahang babae na namuno sa daigdig
- Nagpatayo ng templo
- Nagpadala rin siya ng mga ekspedisyon.
THUTMOSE III
- Ng dahil sa kaniya, nagging maipmpulwensya ang Egypt sa Palestine, Phoenicia, at Syria.
- Siya ang nagpatayo ng Heliopolis, Memphis, Abydos at ang templo sa Al Kamak.
AKHENATON
- Nagpatupad ng Monotheism (pananalig sa iisang Diyos)
- Pagsasamba kay Aton
TUNTANKHAMEN
- “Boy King” ng Egypt
- Naging Pharoah sa gulang na 9
- Nagpatupad ng Polytheism (pananalig sa diyos na hihigit sa isa)
HOWARD CARTER
- Isang British Egyptologist na nakatuklas sa labi ni Tuntankhamen
RAMSES II
- Kinalaban at tinaboy ang Hittites
- Si Ramses ay itinuturing bilang isang “Living God”
- Siya ang 3rd ruler ng 19th dynasty, anak ni Seti
RAMSES
- Sinasabing sa kaniyang pagkakaupo ay nagkaroon ng mahigit 100 anak sa iba’t ibang babae
- Ang kaniyang 13th son na nagsilbi bilang kaniyang successor na si Merenptah ay naupo sa trono sa edad na 60
- Namatay si Ramses sa edad na 90, ang kaniyang mga labi ay inilagak sa Valley of the Kings
PAGBAGSAK NG EGYPT:
Mga sanhi:
- Pagpapabaya sa Ekonomiya
- Pag-aalsa ng mga kaharian
- Pagsakot ng Egypt sa mga sumusunod: Assyrian, Persiano
Zoser/Haring Djoser
- Unang nagpatayo ng “piramide” and “Step Pyramind” na may 6 na patong patong na mastaba.
- Sa tulong ng arkitekotong si Imhotep, nadesenyohan ang pirmaide
- Ito ang isa sa pinakamatandang piramide sa kasaysayan ng Old Kingdom
GREAT PYRAMIND OF GIZA
- Sa panahon ni Khufu/Cheops itinayo ang Great Pyramind of Giza
- Kabilang ito sa 7 Wonders of the Ancient World.
- Binubuo ito sa loob ng 20,000 taon kasama ng 50,000 tao
- May sukat na 70m2, taas na 147 ft. at lawak na may kabuuan 5.3 hectares
GITNANG KAHARIAN (Pinamunuan ng 14 na Pharoah):
AMENEMHET II
- Ang kinilala bilang pinakamahusay na pinuno ng gitnang kaharian.
- Nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt
- Nilimitahan niya ang kapangyarihan ng mga nobles, muli niyang inorganisa ang pamahalaan at pinanatili ang kasaganaan ng kaniyang nasasakupan.
- THEBES ang kabisera ng Egypt
- Sa kaniyang panahon nasakop ang Nubia (rehiyon sa katimugang Egypt)
- Maging ang Syria ay napasailalim ng kaniyang kapangyarihan
- Pag-unlad sa kalakalan
HYKSOS
- Napabagsak ang kaharian
- Mga Semitic mula sa Asya
- Mga prinsipe mula sa dayuhang lupain
- Sinakop ang Egypt sa loob ng 100 taon noong 17th century
- Nagpakilala sa paggamit ng Chariot sa mga Egyptian.
- Hyksos (Egyptian, “foreign rulers”)
BAGONG KAHARIAN (Empire Age) Ang pinakadakilang Panahon
AHMOSE
- Nagbigay sa mga dayuhang Hyksos
- Nagtatag ng bagong kaharian
- Isang Theban Prince
- Sa panahon niya ginawang unified nation ang Egypt
THUTMOSE II
- Idinagdag niya sa Imperyong Palestine
- Anak ni Thutmose I, half brother ni Reyna Hatshepsut
REYNA HATSHEPSUT
- Anak ni Thutmose I
- Pinakasalan ang kaniyang half brother na si Thutmose II at kaniyang kaagapay sa pamamahala hanggang siya’y namantay.
- Angkaniyang successor na si Thutmose III na ank niya sa iba ay namuno noong 1458 sa pamamagitan ng paghirang sa kaniyag sarili.
- Kauna-unahang babae na namuno sa daigdig
- Nagpatayo ng templo
- Nagpadala rin siya ng mga ekspedisyon.
THUTMOSE III
- Ng dahil sa kaniya, nagging maipmpulwensya ang Egypt sa Palestine, Phoenicia, at Syria.
- Siya ang nagpatayo ng Heliopolis, Memphis, Abydos at ang templo sa Al Kamak.
AKHENATON
- Nagpatupad ng Monotheism (pananalig sa iisang Diyos)
- Pagsasamba kay Aton
TUNTANKHAMEN
- “Boy King” ng Egypt
- Naging Pharoah sa gulang na 9
- Nagpatupad ng Polytheism (pananalig sa diyos na hihigit sa isa)
HOWARD CARTER
- Isang British Egyptologist na nakatuklas sa labi ni Tuntankhamen
RAMSES II
- Kinalaban at tinaboy ang Hittites
- Si Ramses ay itinuturing bilang isang “Living God”
- Siya ang 3rd ruler ng 19th dynasty, anak ni Seti
RAMSES
- Sinasabing sa kaniyang pagkakaupo ay nagkaroon ng mahigit 100 anak sa iba’t ibang babae
- Ang kaniyang 13th son na nagsilbi bilang kaniyang successor na si Merenptah ay naupo sa trono sa edad na 60
- Namatay si Ramses sa edad na 90, ang kaniyang mga labi ay inilagak sa Valley of the Kings
PAGBAGSAK NG EGYPT:
Mga sanhi:
- Pagpapabaya sa Ekonomiya
- Pag-aalsa ng mga kaharian
- Pagsakot ng Egypt sa mga sumusunod: Assyrian, Persiano
Ang Kabihanang India
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus.Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro.Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina,salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo. Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa,kambing,at elepante.Natagpuan
din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayandito. Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilankung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusobng mga Aryano sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan.
Ang KAbihasnang Tsina
HEOGRAPIYA
Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangzte unang sumibol ang China. Makikita sa hilaga ang Disyerto ng Gobi , sa silangan ang Karagatang Pasipiko. Ang nasa kanluran ay ang Kabundukan ng Tien Shan at Himalaya at sa katimugan ay mga kagubatan.
![]() |
Yangtze |
![]() |
Huang Ho |
![]() |
Disyerto ng Gobi |
MGA UNANG DINASTIYA
Dinastiyang Hsia
![]() |
King Yu Xia |
Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho.
Dinastiyang Shang
![]() |
King Tang Shang |
Ito'y
naging kapalit sa Dinastiyang Hsia noong 1500 BCE. Sinasabing ito ang
pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito. Ang
kanilang dinastiya ay may tatlong katangian: (a) pag-uumpisa ng
pagsusulat, (b) kaalaman sa paggamit ng bronse at (c) pag-aantas ng
lipunan.
Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
![]() |
Oracle Bone |
Dinastiyang Zhou
![]() |
Zhou |
Napatalsik ang Shang ng Zhou noong nakaraang 1027 BCE at itinutugurian ng "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado"
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
![]() |
Confucious |
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
![]() |
Lao Tzu |
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan
![]() |
Hanfeizi |
Ang kanilang hari ang kanilang ginawang kinakatawan ng langit sa mundo sa konsepto ng Tian Ming o Mandato ng Langit.
Dinastiyang Qin

Shi Huangdi (Unang Emperador)

Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado
ng inastiyang Zhou at tinalo sa isang digmaan. Sa ilalim ni Ying Zheng
ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China.
Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala
bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).
IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA
-Mga Hitito-
Nabuo ang imperyong Hitito at
itinatag ang lungsod ng Hattusass. Gumamit ang mga Hitito ng chariot at
ang kanilang utak sa paggawa ng pagpapanday ng bakal para gawing
matitibay na pana, palaso, palakol at espada, dahilan sa pagiging
makapangyarihan nila sa Asya sa loob ng 450 taon.
![]() |
Chariot
-Mga Phoeniciano- |
Sila'y
may lahing Semitiko at nananaan sa baybayin ng Dagat Mediterraneo.
Sila'y mahusay sa paggawa ng mga barko at nagtatag ng daungan tulad ng
Sidon, Tyre, Beirut at Byblos.
![]() |
Barko ng Phoeniciano
-Mga Persyano-
|
Ang mga
Persyano ay nanggaling sa Persia na naninirahan sa Iran. Sila ay may
lahing Indo-Aryano. Ang salitang persia ay galing sa salitang griyego na
"persis". Sa ilalim ni Cyrus the Great ay lumawak ang imperyo ng
Persia.
![]() |
Cyrus the Great |
Kabihasnan sa Sinaunang Amerika: Maya, Aztec, at Inca
Ang sibilisasyong Maya:
Ang kabihasnang Maya ay namuhay noong 2000 BCE. Sa pagdaan ng mga taon, sila ay naging mga matagumpay na magsasaka at gumawa ng mga dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo.
Karamihan
sa mga Maya ay mga magsasaka na naninirahan sa mga kubo sa mga
kabundukan at nagpupunta lamang sa mga lungsod kapag namimili at may
pagdiriwang na panrelihiyon.
Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.
Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.
Ang Sibilisasyong Maya
- isang Meso-American civilization
- sila lang ay may organisadong written language sa buong Pre-Columbian America at sila ay may sariling numerical system
- maraming kaalaman sa larangan ng:
- astronomiya
- matematika
Ang sibilisasyong Mayan ay nahahati sa tatlong panahon:
1) Preclassic- 1800 B.C.
- simula ng pagpapatayo ng stepped pyramids
- pottery at fired clay figurines
2) Classic (c. 250-900)
- umusbong ang konseptong urbanismo
- lungsod-estado
- Cancuen- isang malaking lungsod sa sibilisasyong Maya kung saan makikita ang mga malalaki at magagandang palasyo at pyramid
Ang Maya collapse:
- 8th- 9th century
- dahilan:
- overpopulation
- peasant revolt
- foreign invasion
- epidemic disease
- climate change
3) Postclassic
- Yucatan- lungsod
- Mayapan- lungsod-estado
- sinasabing dito nakuha ang pangalan nila na "Maya"
- Popol Vuh- Mayan mythology
- natagpuan sa kaharian ng Quiche
Iba pang importanteng dapat malaman tungkol sa sibilisasyong Mayan:
1. Ang bawat Mayan ay may apat na pangalan: una ang kanyang palayaw na ginagamit lamang pag siya ay nasa bahay, pangalawa ang kanyang "pampublikong" pangalan- yun ang tinatawag sa kanya ng mga taong hindi niya kapamilya, pangatlo at pang-apat- mga pangalang galing sa pamilya ng kanyang nanay at kanyang tatay. Ito ay upang masigurado na hindi magkamag-anak ang kanyang mga magulang.
2. Ang interpretasyon ng kagandahang pisikal para sa mga Mayan ay pagkakaroon ng: flattened skull, malaking ilong, at pagiging duling. Kaya nagsusuot sila ng clay noses para magmukhang malaki ilong nila.
3. Ang kanilang paraan ng pagsakripisyo ay ang pag-aalay ng dugo sa kanilang mga Diyos. Karaniwang parte ng katawan na kinukuhaan ng dugo ay ang tenga, labi at dila. At pag mataas ang iyong antas sa lipunan, inaasahan na marami kang mai-aalay na dugo.
4. Isa pang inaalay ng mga Mayan ay human heart. Nacon ang tawag sa taga-tanggal ng human heart at Chacs yung tawag sa taga-hawak ng human heart.
Mga importanteng bagay: (mga definitions)
Paraan ng pagkasal ng mga Mayan: Arranged marriage
- Atanzahob- matchmaker para sa arranged marriage
- Ah kin- pari
- Cancun- "Lugar ng mga Ahas"
- Pok-a-tok- isang ball game na parang soccer
- Huilich Uinic- pinuno
- Batab- tumutulong sa pinuno. nagsisilbi ring "judge" at tax collector ng taong bayan
- Cosmos: heaven, earth, underworld
- Diving God- supreme God
- Warfare- para sa Mayans, ito ay isang ritwal. Bago makipag-digmaan, kumakanta at sumasayaw ang mga Mayan para sa kanilang mga Diyos. Matatapang ang mga Mayan at naniniwala sila na mas mabuti pang mamatay sila kaysa matalo ng kanilang kaaway
- Slash and burn- ginagamit nila para sa kanilang agrikultura
-
ANG SIBILISASYON NG AZTEC:
Ang kabihasnang Aztec ay umusbong sa Valley of Mexico.
Tenochtitlah - lungsod-capital; "an island in a lake"
Obsidian - batong galing sa bulkan
Chinampas- floating garden
Huey Hatoanni - Great Speaker; Ruler
Hernando Cortez - sumakop sa kabihasnang Aztec
Ang
mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga
at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng
ika-12 siglo C.E.
· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”
isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay
nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba
subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.
Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.
-
ANG SIBILISASYON NG INCA:
ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika. matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.
itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar. kabilang dito ay ang mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito: mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan. bawat tahanan ng mga inca ay may pinaglaanang lugar na para lamang sa mga bagay na maituturing nilang huaca sa kanilang pamilya. Ang paghahandog at pagaalay ng sakripisyo na may dasal ay isang malaking bahagi ng seremonyang panrelihiyon ng mga inca.
Kabihasnan sa Aprika
Tulad din ng mga tao sa iba’t ibang
panig ng mundo, may natatanging
sibilisasyong umusbong sa sinaunang Aprika.
Malaki ang naging impluwensya ng heograp
iya sa naging pamum
uhay ng mga tao
sa sinaunang Aprika. Ang mga tao ay nat
utong makibagay sa
pabago-bagong klima sa
nararanasan. Kapag nagbago ang
klima o lumaki ang populasyo
n sa lugar na kanilang
tinitirhan sila ay humahanap ng panibagong lugar kung saan matutugunan nila ang
kanilang pangangailangan.
Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong
ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa
mga tao sa Europa at Asya
. Ito ang naging dahila
n upang ang kanilang wika, kultura’t
tradisyon ay labis na naimpluwensy
ahan ng mga dayuhang ideya at gawi.
Ang pinakamatanda at pinakamakapangyari
hang sibilisasyong umusbong sa Aprika
ay ang sibilisasyong
Ehiptona
nagsimula sa masaganang
Lambak ng Nile
. Di
nagtagal, may mga lunsod, estado na lumaki
bunga ng malawakang kalakalan sa may
baybayin ng Silangang Aprika at dulo ng timog ng
Sahara.
Ang kahusayan ng mga griyego ay nakita
sa pamumulaklak ng sining at agham.
Samantala ang mga Romano ay mas praktikal
na mga tao. Nanguna sila sa batas at
pamahalaan at mahuhusay din silang inhinyer
o. Mula sa Imperyong Romano, kinilala
ang relihiyong
Kristiyanismo
. Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan ang Roma pa
rin ang sentro ng pananampalatayang Katoliko.
Kabihasnan sa Pasipiko
Melanesia nagmula sa salitang Griyego na melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ang kahulugan ay isla. Binubuo ito ng mga pulo ng New Guinea, New Caledonia, New Hebrides, Fiji, mga Pulo ng Solomon at
iba pa. Kaya tinawag na melanesia ang mga isla rito dahil ang mga
nakatira rito ay maiitim ang kulay ng balat. Ang pulo ng New Guinea ang
pinakamalaking pulo sa Melanesia maging sa buong Oceania.
Micronesia nangangahulugang maliit na mga pulo. Kabilang dito ang Marianas, Guam, Wake Island, Palau, ang Marshall Islands, Kiribati, Nauru, at ang Federated States of Micronesia. Matatagpuan ang karamihan ng mga pulong ito sa hilaga ng ekwador.
Polynesia nangangahulugang maraming mga pulo. Kabilang dito ang New Zealand, ang Hawaiian Islands, Rotuma, ang Midway Islands, Samoa, American Samoa,Tonga, Tuvalu, ang Cook Islands, French Polynesia, at Easter Island. Ito ang pinakamalaki sa tatlong pangkat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento